15 LGUs sa Metro Manila nakakumpleto na sa pamamahagi ng SAP

Nakumpleto na ng labinglimang LGUs sa National Capital Region ang pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng gobyerno.

Ayon kay DSWD Regional Director Vicente Gregorio Tomas, kabilang sa mga LGU sa NCR na nakakumpleto na ng SAP distribution ay ang mga sumusunod:

Caloocan
Marikina
Valenzuela
Pasig
Parañaque
Manila
Pateros
Mandaluyong
Malabon
Pasay
Las Piñas
San Juan
Muntinlupa
Navotas
Quezon City

Ang Taguig City naman ay nasa 99.39 percent na ng pamamahagi ng SAP habang ang Makati ay 84.82 percent.

Ayon kay Tomas, 1,547,549 na pamilya na ang nakatanggap ng cash aid sa NCR.

Katumbas ito ng P12.26 billion na halaga ng ayuda.

Read more...