Pagpapatupad ng lockdown sa mga barangay o subdivision desisyon dapat ng LGU ayon sa DILG

Nasa mga lokal na pamahalaan ang pagpapasya kung magpapatupad ng lockdown sa partikular na lugar na labis na apektado ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pwedeng magpatupad ng lockdown sa bahagi ng barangay, o maging sa isang subdivision ang mga LGU.

Pero ayon kay Año kailangan munang hingin ang approval ng regional IATF na nakasasakop sa lugar.

Layon nitong maagapan ang paglaganap ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Año ang mga barangay, sitio o subdivision na na isasailalim sa lockdown ay tatawaging “critical zones”.

Habang nakasailalim sa lockdown ay sarado dapat lahat ng exit at entry points sa mga apektadong lugar.

 

 

Read more...