Mga lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras sa mga lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Ayon sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 10:04 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Tarlac, Bulacan, Pampanga, Bataan at Batangas sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Mauban at Sampaloc sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha o landslide.

 

 

Read more...