Quarantine clearance ng mahigit 14,600 na OFW maari nang makuha

Available na ang quarantine clearance ng mahigit 14,000 na Overseas Filipino Workers (OFW) na nakatapos ng 14 na araw na quarantine at nag-negatibo sa COVID-19 test.

Ayon sa Philippine Coast Guard, available na ang quarantine clearance para sa 14,669 na OFWs.

Sila ay pawang nag-negatibo sa COVID RT-PCR Testing na ginawa ng Sub-Task Group for Repatriations of OFWs.

Ang mga pangalan ng mga nag-negatibo ay makikita sa link na https://bit.ly/36i1XiZ

Mula rin sa nasabing link ay maaring i-download ang quarantine clearance.

Sa sandaling hawak na ang clearance ay maari nang makauwi sa kanilang mga pamilya ang mga OFW.

 

 

Read more...