Northern Samar isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng Typhoon Ambo

Isinailalim sa state of calamity ang Northern Samar dahil sa pinsala na naidulot ng pananalasa ng Typhoon Ambo.

Sa pamamagitan ng deklarasyon magagamit ang calamity funds para sa mabilis na ayuda sa mga apektadong pamilya.

Sa datos ng PDRRMO, 128,034 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa Northern Samar.

Umabot naman sa P127.21 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang P93.47 million naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

 

 

 

Read more...