Brazil nakapagtala ng halos 20,000 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Ang bansang Brazil na ang pangatlo sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala Brazil ng 19,694 na bagong kaso ng sakit.

Sa ngayon mayroon nang 291,579 na total COVID cases ang Brazil at pumapangatlo na ito sa mga bansa sa mundo sa dami ng kaso.

Ang bilang naman ng nasawi sa Brazil ay mahigit 18,800 na.

Nananatili ang US ang mayroong pinakamaraming kaso na ngayon ay mahigit 1,590,000 na.

Ang bilang naman ng naitalang nasawi sa US ay mahigit 94,900 matapos makapagtala ng 1,400 na nasawi sa magdamag.

Ang Russia naman ang pumapangalawa sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso.

Nakapagtala na ang Russia ng mahigit 308,700 na kaso ng COVID-19.

 

 

 

Read more...