Fontana Leisure Parks bantay sarado na ng PNP matapos madiskubre ang ilegal na medical clinic para sa mga Chinese

Bantay sarado na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang palibot ng Fontana Leisure Parks sa Clark.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Public Safety Division ng Clark Development Corporation na ipasara ang Fontana Leisure Parks matapos madiskubre ang ilegal na medical facility na para lamang sa mga Chinese national.

Noong May 19, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Field Unit ng PNP Region III, at Food and Drug Administration (FDA), ang makeshift medical facility sa naturang villa.

Sa ngayon nakasailalim, sa full lockdown ng Fontana Leisure Park na nasa loob ng Clark Freeport.

Maliban sa paglabag sa batas, ang naturang medical facility ay banta din sa kalusugan.

Sa ginawang raid ay naaresto ang dalawang Chinese nationals na si Ling Hu, 45 anyos – may-ari ng pasilidad at Seung-Hyun Lee, 38 anyos – pharmacist.

 

 

 

Read more...