“Largest single-day” increase sa kaso ng COVID-19 naitala ng WHO

Naitala kahapon ng World Health Organization (WHO) ang “largest single-day” increase sa kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa WHO sa loob ng 24 na oras nakapagtala ng 106,000 na bagong kaso ng COVID-19.

Malaking bilang nito o halos two thirds ay mula lang sa apat na mga bansa.

Nakitaan ng mabilis na pagtaas ng kaso sa Latin America.

Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, mahaba-haba pa ang laban ng mundo sa sakit na COVID-19.

Labis aniyang nakababahala ang patuloy na pagtaas pa ng kaso sa mga low at middle income countries.

 

 

Read more...