Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdagmag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.77 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (May 21) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.79 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.57 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.59 habang nanatili ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.25 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, Pantabangan at Magat dams.

 

 

Read more...