Bulacan maagang nakaranas ng pag-ulan ayon sa PAGASA

Uulanin ang lalawigan ng Bulacan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:45 ng umaga ngayong Huwebes, May 21, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na mayroong pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Bulacan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa mga bayan ng Minalin, Magalang, Guagua at Sasmuan sa Pampanga.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslide.

 

 

 

Read more...