Isa pang mega swabbing facility sa Bulacan binuksan na

Binuksan na ang isa pa sa pinakamalaking COVID-19 testing facilities sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ayon kay National Action Plan Against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito G. Galvez, Jr., ang mega swabbing facility ay mayroong 96 swabbing booths at kayang makapagsagawa ng 1,500 tests kada araw.

Una rito ay tatlo pang mega swabbing facilities ang nauna nang binuksan ng gobyerno.

Ito ay sa Palacio de Manila sa Roxas Boulevard, Enderun Colleges sa Taguig City, at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gamit ang apat na pasilidad ay kakayaning makapagsagawa ng 5,000 tests kada araw.

Read more...