SMC inumpisahan na ang COVID-19 test sa 70,000 empleyado

Sinimulan na ng San Miguel Corporation ang pagsasailalim sa COVID-19 test sa 70,000 empleyado nito.

Paghahanda ito sa unti-unti nang pagbabalik sa operasyon ng mga kumpanya ng SMC at pagbabalik sa trabaho ng kanilang mga manggagawa.

Kahapon sinimulan ang COVID-19 test at kinuhanan na ng swab sample ang mga empleyado.

Nagtatayo na din ang SMC ng in-house testing lab nito na 60 percent nang kumpleto.

Tiniyak din ni SMC President Ramon S. Ang na sa sandaling magbalik na sa operasyon ang lahat ng kanilang kumpanya, ay mahigpit na paiiralin ang safety measures.

Kabilang dito ang physical distancing, pagsusuot ng protective equipment ng mga manggagawa, proper hygiene, at iba pa.

“We are prioritizing, first, our security and other maintenance staff, as they are the ones who take care of our workplace. After them, we test our colleagues whose duties require them to report to the office,” ayon kay Ang.

Sa umpisa sinabi ni Ang na 20 percent lang muna ng populasyon ng kanilang head office ang papasok sa trabaho at mayorya ay work from home pa rin.

Isasagawa din ang COVID test sa mga empleyado sa iba pang food manufacturing plants ng SMC sa iba pang bahagi ng Luzon, maging sa mga planta nila sa Visayas at Mindanao.

 

 

 

 

Read more...