Malita, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Yumanig ang magnitude 4.3 na lindol sa Malita, Davao Occidental.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong pitong kilometro ng Timog-Silangang bahagi ng Malita dakong 9:56 ng gabi.

174 kilometro ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Bunsod nito, naramdaman ang intensity 3 sa General Santos City.

Instrumental intensities naman ang naitala sa:
– Intensity 3 – General Santos City; Malungon, Sarangani
– Intensity 2 – Alabel, Sarangani
– Intensity 1 – Tupi, South Cotabato

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...