COVID-19 cases sa Valenzuela, umabot na sa 224

Umabot na sa 224 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Naitala ang nasabing bilang ng COVID-19 cases hanggang sa araw ng Miyerkules (May 20).

Ayon sa Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit, tatlo ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Ang tatlo anila ay mga overseas Filipino workers.

Nailipat na ang tatlo sa Balai Banyuhay mula sa OWWA quarantine facilities.

Read more...