COVID-19 cases sa Navotas City, umakyat na sa 132

Nadagdagan pa nang walo ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (May 20), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– BBS – 3
– NBBS Proper – 2
– San Jose – 1
– Tangos North – 1
– Tangos South – 1

Dahil dito, umakyat na sa 132 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 84 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, umakyat na sa 24 ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit.

Nananatili naman sa 24 ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Read more...