Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa Davao Occidental; Intensities, naitala sa ilang karatig-lugar

Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometers Northeast ng Jose Abad Santos bandang 8:45 ng gabi.

83 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang intensity 3 sa Glan, Sarangani at intensity 2 sa General Santos City.

Instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
– Intensity 4 – Malungon, Sarangani
– Intensity 3 – Alabel, Sarangani
– Intensity 2 – Kiamba, Sarangani; General Santos City; at Tupi, South Cotabato

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Ngunit, posible anilang makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...