Anim pang kaso ng COVID-19, naitala sa Bulacan

Karagdagang anim na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bulacan, araw ng Miyerkules (May 20).

Sa huling tala ng Bulacan Provincial Health Office hanggang 4:00 ng hapon, umakyat na sa 158 ang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Dalawa naman ang active probable cases habang 1,344 ang active suspected cases.

Sinabi pa nito nanatili sa 57 ang mga naka-recover habang 30 ang nasawi sa Bulacan bunsod ng COVID-19.

Read more...