COVID-19 cases sa Quezon province, nasa 81 na

Nasa 81 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon province.

Batay sa datos hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 20), 15 sa nasabing bilang ay naka-confine sa mga pagamutan.

Pinakamaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa Lucena na may 29 cases.

Narito naman ang COVID-19 cases sa iba pang lugar:
– Tayabas – 8
– Calauag – 8
– Candelaria – 7
– Lopez – 6
– Sariaya – 4
– Unisan – 4
– Pagbilao – 3
– Infanta – 2
– Real – 2
– Buenavista – 2
– Lucban – 1
– Sampaloc – 1
– Tiaong – 1
– Pitogo – 1
– Atimonan – 1
– Gumaca – 1

Samantala, limang residente sa nasabing probinsya ang probable case habang 1,680 ang suspected cases.

Nasa 58 naman ang gumaling sa COVID-19 at walo ang pumanaw.

Read more...