Sarangani, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 370 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 4:33 ng hapon.

32 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala ang pagyanig sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...