Price freeze sa LPG, kerosene ipinatupad sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity sa Eastern Samar

Ipinatupad ang price freeze sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa siyam na lugar sa Eastern Samar.

Sa abiso ng Department of Energy (DOE), ipatutupad ang price freeze sa loob ng 15 araw simula May 15 hanggang 30.

Epektibo ang price freeze sa siyam na lugar sa Eastern Samar na nakasailalim sa state of calamity bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ambo.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
– Jipapad
– Maslog
– Arteche
– San Policarpio
– Oras
– Dolores
– Can-avid
– Taft
– Sulat

Read more...