Ito ay matapos madiskubre ang ilang bitak sa bahagi ng Roxas Boulevard.
Ayon sa Manila Public Information Office, inaprubahan ng alkalde ang hiling ni DPWH Engr. Mikunug Macud na ayusin ang Remedios Street, kabilang ang drainage system sa Malate.
Ngunit, ang kondisyon ng Manila City government ay tatagal lamang ang rehabilitasyon simula May 21 hanggang June 25, 2020.
Hindi anila papayagang palawigin ang pagsasaayos ng nasabing kalsada.
Kasunod nito, ipatutupad ang road closure sa southbound lane ng Roxas Boulevard sa kasagsagan ng rehabilitation period.
Sinabi pa ni Moreno sa DPWH na makipag-ugnayan sa the Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District Traffic Enforcement Unit para sa approval ng traffic plan.