Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, tatlong araw isasailalim sa lockdown sa mga sumusunod na lugar:
– Bagong Sikat
– Bagong Lipunan
– Bagong Pag-asa
– Bagong Ilog
– E. Rodriguez
– Bagong Buhay
– Bagong Silang
– Dimasalang Extension
– Mabuhay
– 12 De Junio.
Magiging epektibo ang lockdown simula 6:00, Huwebes ng umaga (May 21) hanggang 12:00, Sabado ng hatinggabi (May 23).
Sa pag-iral ng lockdown, sinabi ng alkalde na pansamantalang suspendido ang paggamit ng Home Quaratine Pass.
Papayagan lamang aniyang lumabas ng bahay ang mga frontliner.
Tiniyak din nito na bibigyan ang bawat apektadong bahay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tubig sa kasagsagan ng lockdown.
Kasabay nito, magsasagawa rin aniya nang masusi at malawakang pagsusuri sa mga nabanggit na lugar.
Sa pamamagitan ng CENRO, magsasagawa din ng total disinfection at flushing sa mga nasabing lugar sa Biyernes, May 22.
Hiniling naman ni Olivarez ang kooperasyon at suporta ng mga residente sa mga nabanggit na lugar para masugpo ang COVID-19.