PNoy, nasa Amerika na para sa Special US-ASEAN summit

photo from Malacanang
photo from Malacanang

Dumating na sa Estados Unidos na si Pangulong Benigno Aquino III upang dumalo sa dalawang araw na Special US-ASEAN summit.

Dumating ang pangulo sa Palm Springs International Airport na sinalubong nina Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr., at Consul General Leo Herrera Dy.

Kahapon umalis ang Pangulo upang dumalo sa pagpupulong.

Sa kanyang departure speech, sinabi nito na malaki ang kontribyusyon ng Amerika sa pananatili ng kapayapaan at seguridad sa Southeast Asian region partikular sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.

Inaasahang tatalakayin din ng Pangulo sa kapwa niya mga lider ng ASEAN ang isyu ng naunsyaming Bangsamoro Basic Law na aniya’y solusyon upang mahinto na ang sigalot sa Mindanao.

Bibisitahin din ni Aquino ang mga miyembro ng Los Angeles World Affairs Council at makikipag-usap sa mga negosyante upang hikayatin ang mga itong maglagak ng negosyo at mamuhunan sa Pilipinas.

Read more...