Mga presidential candidates, kampante sa kanya-kanyang pag-angat ng rating

 

Kahit hindi nangunguna umaasa ang panig ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang pag-angat sa rating ng alkalde.

Ayon kay Peter Tiu Laviña pinuno ng Duterte team umaasa sila na magpapatuloy ang ‘upward trend’ hanggang sa pagtatapos ng eleksyon sa Mayo.

Si Duterte ay nakakuha ng 24 percent sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS.

Kapantay nito si Senador Grace poe sa ikalawang puwesto.

Una pa rin si Vice President Jejomar Binay, samantala, pang-apat at panlima sina Mar Roxas at Sen. Miriam Defensor Santiago.

Samantala, gagamitin naman ng kampo ni Poe ang resulta ng pinakahuling survey upang pag-aralan ang kanilang susunod na hakbang upang maging numero uno sa susunod na survey.

Tiwala naman si LP spokesperson Rep Barry Gutierrez, na sa mismong araw ng halalan, ay mangunguna si Roxas sa aktuwal na bilangan ng boto.

 

Read more...