Mga insidente ng kidnapping, hindi kunektado sa eleksyon-PNP

 

Kung ang Philippine National Police ang tatanungin, walang kaugnayan ang papalapit na eleksyon sa mga naitatalang insidente ng mga kidnapping sa bansa. Ayon kay Sr. Supt. Roberto Fajardo, hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group, wala naman naitatalang insidente ng kidnapping sa ngayon na direktang maikukunekta sa halalan.

Paliwanag pa ni Fajardo, hindi maglalakas ang loob ng mga kandidato na gumawa ng krimen lalo na ang pagkidnap para mangalap ng pondo na gagamitin sa pangangampanya dahil tiyak na mahuhuli sila.

Nauna ng nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng pagtaas ng kaso ng kidnapping sa bansa si Teresita Ang See, founding chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order dahil inaasahan na sasamantalahin ng mga KFR Groups ang pagiging abala ng mga pulis para sa halalan.

Kaugnay nito, itinuwid ni Fajardo ang umanoy maling report na lumabas sa pahayagan dahil taliwas sa napaulat, bumababa pa aniya ang kaso ng kidnapping sa kasalukuyan.

Noong 2014 aniya, may 50 kaso ng kidnapping ang naitala samantalang habang noong nakaraang 2015 ay mayroon na lamang 38 insidente ng kidnapping ang naitala.

Read more...