Kaso ng COVID-19 sa QC 1,856 na

Sumampa na sa 1,856 ang bilang ng mga nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa nasabing bilang, 1,673 na ang tukoy ang kumpletong address at 1,504 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Mayroong 578 na naka-recover na sa COVID-19 sa lungsod at 163 ang nasawi.

Mayroon pang 932 na suspected COVID-19 cases sa Quezon City.

 

 

Read more...