143 na Pinoy mula Macau nakauwi na sa bansa

Mayroong 143 pang Overseas Filipinos ang dumating sa Pilipinas kagabi.

Ang mga Pinoy ay pawang mula sa Macau at humiling ng repatriation sa pamahalaan dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19 doon.

Lulan sila ng chartered flight sa pag-uwi nila sa bansa.

Sasailalim sila sa 14 na araw na mandatory quarantine at kukuhanan din ng swab samples bago mapayagang makauwi sa kanilang pamilya.

 

 

 

Read more...