Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales May 20, 2020 - 07:11 AM

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.79 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (May 20) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 190.58 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.59 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.56 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.25 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.22 meters

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga, Pantabangan at Magat dams.

 

 

TAGS: dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.