Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 207

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10:00PM, Martes, May 19), nasa 207 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 12 ang bagong bilang ng nadagdag habang ang bilang ng mga active cases ay 150.

Nakapagtala naman ng 2 pang nasawi kaya’t ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay umabot na sa 65.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 422.

Samantala, nasa 36 ang bilang ng probable habang nasa 767 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

 

Read more...