Glan, Sarangani niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 35 kilometers Southwest ng Glan, alas-3:38 madaling araw ng Miyerkules (May 20).

May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Alabel at Malungon, Sarangani; General Santos City.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

Read more...