Kaso ng COVID-19 sa Bicol, nanatili sa 67

Walang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ayon sa DOH CHD – Bicol, nanatili sa 67 ang mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon hanggang 6:00, Marter ng gabi (May 19(,

Lumabas anila na negatibo ang 16 resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ang lahat ng sample ay ni-refer mula sa Bicol Medical Center (BMC).

Sa 67 COVID-19 cases, 17 ang naka-confine sa mga pagamutan habang anim ang nakasailalim sa quarantine.

Nasa walo ang probable cases at 30 ang suspected cases sa Bicol region.

Batay pa sa datos ng DOH CHD – Bicol, nasa 39 ang naka-recover na residente sa Bicol region habang lima ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Read more...