COVID-19 cases sa Navotas City, umakyat na sa 124

Nadagdagan pa nang 14 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco base sa update hanggang 6:00, Martes ng gabi (May 19), naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na barangay:
– NBBS Proper – 6
– Daanghari – 4
– San Jose – 3
– San Roque – 1

Dahil dito, umakyat na sa 124 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 77 ang naka-confine sa mga pagamutan o nakasailalim sa home quarantine.

Samantala, ang bilang ng nasawi sa Navotas City bunsod ng nakakahawang sakit ay 23 na.

Nasa 24 naman total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Read more...