Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Cayetano na ginawa niya ito upang magkaroon ng malalimang pagdinig sa prangkisa ng giant network.
Napagpasyahan aniya niya ito matapos ang konsultasyon sa iba pang lider ng Kamara.
Dahil dito, tututok na lamang ang Kamara sa pagdinig sa 25 taong prangkisa ng network.
Sabi ni Cayetano, lahat ng gustong magsalita sa isasagawang pagdinig ng Kamara ay bibigyan nila ng pagkakataon.
Hindi aniya niya hahayaan na maging moro-moro ang pagdinig at titiyakin na walang saling-pusa dito.
MOST READ
LATEST STORIES