BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 12,942 na

Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (May 19), 12,942 na ang bilang ng mga nagpositibo sa nakakahawang sakit sa bansa.

224 ang panibagong napaulat na COVID-19 case sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Sa 224 na bagong kaso, 174 o 78 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 17 o pitong porsyento sa Region 7 habang 33 o 15 porsyento sa iba pang lugar.

Nasa anim namang pasyente pa ang pumanaw kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 837 na.

Dagdag pa ng DOH, 114 ang bagong gumaling sa COVID-19 pandemic sa bansa.

Dahil dito, nasa 2,843 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...