Isang PSG trooper, positibo sa COVID-19 sa PCR test; 160 sa rapid test

Aabot sa 160 na tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa rapid test.

Ayon kay PSG commander Colonel Jesus Durante, sa naturang bilang, isa ang nagpositibo sa PCR test.

Ayon kay Durante, matagal nang nakarekober sa COVID-19 ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.

Hindi aniya detailed bilang close-in security kay Pangulong Rodrigo Duterte ang PSG personnel.

Tiniyak pa ni Durante na ginagawa ng PSG ang lahat ng pamamaraan para masiguro ang kaligtasan ng pangulo.

Ayon kay Durante, awtomatikong sumailalim sa 14 na quarantine period ang mga 160 PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Sinimulan aniya ang pagsuri sa PSG personnel noon pang Marso.

Ayon kay Durante, bukod sa PSG personnel, sumalang din sa COVID-19 test ang kanilang mga dependent.

Read more...