4,104 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Mahigit 4,000 pang overseas Filipino worker (OFW) ang nagnegatibo sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 4,104 pang OFWs ang lumabas na negatibo sa isinagawang RT-PCR testing para sa COVID-19

Isinagawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ang pagsusuri sa mga nabanggit na bilang ng OFWs.

Ayon sa PCG, nakahanda na ang ilalabas na quarantine clearances para sa OFWs.

Maaari anilang matanggap ang clearance ng mga OFW anumang araw sa linggong ito.

Read more...