Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kabuuang 25,439 na land-based at sea-based OFWs ang sinuri ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs mula May 2 hanggang 18.
Simula May 17 hanggang 18, nasa 301 OFWs ang nasuri ng Sub-Task Group kung saan 254 ay mula sa Palacio de Maynila habang 47 sa quarantine facilities.
Nasa 5,443 Filipino seafarers naman sa lulan ng cruise ships sa Manila Bay Anchorage area ang sumalang sa RT-PCR testing mula May 7.
Sinabi ng PCG na mananatiling naka-isolate ang mga OFW habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri at paglalabas ng kanilang quarantine clearances.
“Rest assured that once necessary clearances are issued, the Department of Transportation (DOTr) will coordinate their transport so they may finally go home to their families,” pahayag ng PCG.