Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya patuloy na nakikiusap ang pamahalaan na huwag munang maging pasaway at iwasang gumala habang nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.
Kapag tumaas aniya ang bilang ng mga pasyente, tiyak na sa kalsada na lamang sila pupulutin.
Sa ngayon aniya, nasa mahigit 12,000 na ang nagpositibo sa COVID-19.
Kapag umikli ang tinatawag na doubling time at bumalik sa doubling time, ang 12,000 na kaso ay magiging 24,000 na.
Sa loob lamang ng isa o dalawang linggo mauubos na ang higaan sa mga ospital at sa kalye na lamang maaaring ilagay ang mga pasyente.
Ayon kay Roque, nasa 13,457 lamang ang total bed capacity ng mga ospital sa Metro Manila.