Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.58 meters alas-6:00 umaga ng Martes (May 19) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.67 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.56 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.61 habang bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 76.22 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.21 meters
Samantala, nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Magat dams habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.
MOST READ
LATEST STORIES