Mga Pinoy para-athletes, binigyan ng cash incentives

 

AFP file photo

Natanggap na ng mga Pinoy para-athletes, o mga atletang physically challenged na nanalo sa 8th ASEAN Para Games noong Disyembre ang kani-kanilang mga cash incentives.

Ang kanilang tinanggap na bonus ay alinsunod sa Republic Act 10699 o ang Act on Expanding the Coverage of Incentives Granted to National Athletes and Coaches.

Mismong si Sen. Sonny Angara, ang author ng batas na ito at chairman ng Senate committee on games, amusement and sports, kasama sina Philippine Sports Commission chairman Richard Garcia, at Philippine Sports Association for Disabled Athletes president Mike Barredo ang nanguna sa pagbibigay ng mga insentibo sa mga Para Games medalists.

Humakot ang team Pilipinas ng kabuuang 59 medals, 16 dito ang gold, 17 na silver at 26 na bronze.

Ayon kay Angara, aabot sa P6.8 million ang natanggap na cash incentives ng mga para-athletes sa pagpaparangal sa kanila na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na ito na ang tamang panahin para kilalanin ang kagalingan ng ating mga differently-abled na mga atleta na nag-uuwi ng medalya at karangalan sa ating bansa.

Read more...