Impluwensya ng Amerika sa SE Asia, makikita sa ASEAN-US summit

 

Mananatili ang Estados Unidos na isang malaking bahagi ng seguridad sa Southeast Asia.

Ito ang magiging bahagi ng mensahe ng pag-host ng Amerika sa ASEAN-US summit ngayong linggong ito.

Ayon kay Ambassador to the United States Jose Cuisia Jr., mahalaga ang ang presensya ng Estados Unidos upang mapalakas ang arkitektura ng seguridad para sa 21st century, at ang summit ay ang pagpapakita ng commitment nito upang matiyak na hindi mawawala ang ‘balance’ sa rehiyon.

Mananatili rin aniya ang defense at security arrangements sa pagitan ng PIlipinas at Amerika at lalo pang paiigitingin ito sa mga susunod na panahon.

Samantala, sa kanyang departure speech, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na malaki ang iniaambag ng Amerika sa pananatili ng kapayapaan sa Southeast Asia, partikular sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Bukod sa usapin ng seguridad sa rehiyon, inaasahang magiging bahagi rin ng dalawang araw na summit sa Sunnylands California ang pagbalangkas ng isang ‘final document’ kung saan isasama dito ang ‘rule of law principle.’

Ayon kay Elizabeth Buensuceso, Philippine Ambassador to the ASEAN, nais ng mga bansa na dadalo sa summit na magkaroon ng konkretong commitment sa pagitan ng Amerika at mga ASEAN nations.

Inaasahan ding magiging bahagi ng summit ang pagtalakay sa mga paraan upang mapigilan pagkalat ng extremism at terorismo.

Samantala, dumating na sa Amerika si pangulong Aquino upang dumalo sa ASEAN-US summit.

Sinalubong ito ni Ambassador Cuisia sa paglapag sa Palm Springs INternational Airport.

Read more...