Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Las Piñas, umabot na sa 237

Tumaas pa ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease O COVID-19 sa lungsod ng Las Piñas.

Base sa huling datos ng Las Piñas Health Office (May 18), umabot na sa 237 ang bilang ng mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 3 ang bilang ng mga nakarecover kaya’t pumalo na ito sa 86.

25 naman ang bilang ng nasawi dahil sa virus.

Samantala, 47 ang bilang ng suspected at wala namang naitalang probable sa lungsod.

Read more...