Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 149


Nadagdagan pa ang bilang ng nagpositibo sa coronaviris disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base sa huling datos ng Marikina PIO (3:00 PM, Lunes, May 18), nadagdagan ng 2 ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa lungsod kung kaya’t pumalo ba sa 149 ang kabuuang bilang.

Sa nasabing bilang 59 na ng naka-recover sa sakit

Nanatili naman sa 20 ang bilang ng COVID-19 related deaths.

Samantala, 12 naman ang bilang ng probable at 11 ang suspected.

Read more...