Walo ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 18, 2,405 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,298 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 828 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 279 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 728 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 689 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 543 naman ang kaso sa Americas at nanatili sa 445 sa Asia Pacific Region.