Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 12,718 na

Tumaas pa ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw Lunes, May 18.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00 ng hapon, 12,718 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

205 ang panibagong napaulat na kaso sa nakalipas na 24 oras.

Sa 205 na bagong kaso, 145 o 71 porsyento ay naitala sa National Capital Region (NCR); 8 o 4 na porsyento sa Region 7; at 52 o 25 na porsyento sa iba pang lugar.

Pito pang pasyente ang pumanaw kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 831.

Dagdag pa ng DOH, 94 ang bagong gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.

Bunsod nito, nasa 2,729 na ang total recoveries ng sakit sa Pilipinas.

Read more...