Dating FG Mike Arroyo, gusto muling mag-abroad

 

Inquirer file photo

Humirit muli si dating First Gentleman Mike Arroyo sa Sandiganbayan na magkabiyahe patungong Japan at Hong Kong sa Marso at Abril.

Sa kanyang latest motion to travel na inihain sa Sandiganbayan, hiniling ni Arroyo sa korte na payagan siyang makalabas ng Pilipinas para pumunta sa Japan mula March 28 hanggang April 2, habang sa Hongkong mula April 2 hanggang 4.

Tiniyak naman ni Atty. Joselito Lomangya, legal counsel ni Arroyo sa anti-graft court na handang tumalima ang asawa ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa anumang kundisyon ng korte.

Paalala pa ni Lomangya sa korte, na una nang napahintulutan noon si Arroyo na makaalis ng bansa, at bumabalik naman ito.

Aniya, madalas ang biyahe ni Arroyo sa Japan at Hongkong dahil naroroon daw ang ilang kaanak at business interests nito.

Higit sa lahat, hindi raw flight risk si Arroyo, at presumed innocent sa kinakaharap na kaso.

Si Arroyo ay mayroon graft case sa 4th division ng Sandiganbayan dahil sa 329 million dollars National Broadband Network deal.

Nauna nang pinayagan ng SandiganBayan si Arroyo na magtungo sa Japan at Hong Kong noong Enero at nitong Pebrero.

Read more...