COVID-19 positive na OFW na tumakas sa quarantine facility nahanap na ng mga otoridad

Natunton na ng mga otoridad ang isang COVID-19 positive na Overseas Filipino Worker (OFW) na tumakas sa quarantine facility.

Ang nasabing OFW ay 49 anyos na lalaki na residente ng Quezon City.

Kabilang siya sa walong OFWs na umalis sa designated quarantine facilities nila bago pa man lumabas ang swab test results nila.

Ayon sa Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, dinala na sa COVID-19 treatment facility ang lalaking OFW.

Ang mga miyembro ng kaniyang pamilya at iba pang nagkaroo ng personal contact sa kaniya ay isinailalim na rin sa isolation at sumasailalim na sa COVID-19 RT-PCR testing.

Sa ngayon pinaghahanap pa ang pitong tumakas na OFW.

“The search operations for the seven other OFWs are ongoing. They shall be arrested and shall face charges for violating quarantine protocols and for compromising the health and safety of their families and communities,” ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armando Balilo.

Umapela naman ang PCG ng pang-unawa at kooperasyon sa mga OFW na naka-quarantine.
“We know how much you want to be with your family. We know how hard it is to not be with them during this crisis, but we need your cooperation to make this measure work,” dagdag ni Balilo.

 

 

 

 

Read more...