Nasawi sa COVID-19 sa US mahigit 90,000 na

Sumampa na sa 90,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ang US ng mahigit 800 nasawi sa sakit, dahilan para umabot na sa 90,978 ang total number of deaths sa nasabing bansa.

Ang kaso naman ng COVID-19 sa US ay umabot na sa mahigit 1.5 million.

Sa nasabing bilang, mayrong mahigit 346,000 na gumaling na.

Mayroon pang mahigit 1 milyon na aktibong kaso kung saan mahigit 16,000 ang kritikal ang kondisyon.

 

 

 

Read more...