Sa boundary ng San Pedro City, Laguna at Muntinlupa City umabot sa 3 kilometro hanggang 4 na kilometro ang pila ng mga sasakyan.
Ito ay dahil isa-isang tinitignan ang laman ng mga sasakyan.
Ang mga lalabas patungong Metro Manila ay dapat may maipakitang certification mula sa kanilang pinagtatrabahuhang kumpanya na magpapatunay na sila ay papasok na sa trabaho.
Mahigpit ding binubusisi kung nasusunod ang social distancing sa mga sasakyan.
Ganito rin ang naging sitwasyon sa boundary ng Cainta at Marikina sa Marcos Highway, gayundin sa boundary ng San Mateo, Rizal at Quezon City.
Dagsa din ang mga sasakyan galing sa North Luzon Expressway (NLEX) patungo ng Metro Manila.