Water Level ng Angat dam nasa 190.67 meters na

Nadagdagan pa ng bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, May 18 ay nasa 190.67 ang water level ng dam.

Mas tumaas ito kumpara sa 190.62 meters kahapon.

Nabawasan naman ng bahagya ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.61 meters.

Ang La Mesa dam ay bahagya ring nadagdagan at ngayon ay nasa 76.21 meters.

Ang Water level ng Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya ay pawang nadagdagan.

Habang nabawasan naman ang water level sa Binga at San Roque dams.

 

 

 

 

Read more...